“100” A Movie Review
Nasa peak ng kanyang career sa corporate world si Joyce (Dizon) nang malaman niyang mayroon siyang terminal cancer and has barely three months to live. Nag-resign upang i-maximize ang natititrang panahon sa buhay niya --- sa pamamagitan ng pag-accomplish ng 100 things to do before she dies.
Writer and Director: Chris Martinez
Producer: Martinez Rivera Films, Straight Shooters
Awards Received: Best Actress, Mylene Dizon / Best Supporting Actress, Eugene Domingo / Best Director, Chris Martinez / Audience Choice Award / Best Screenplay, Chris Martinez
CAST:
Mylene Dizon
Eugene Domingo
Tessie Tomas
TJ Trinidad
Ryan Eigenmann
Simon Ibarra
Cecile Paz
Nasa peak ng kanyang career sa corporate world si Joyce (Dizon) nang malaman niyang mayroon siyang terminal cancer and has barely three months to live. Nag-resign upang i-maximize ang natititrang panahon sa buhay niya --- sa pamamagitan ng pag-accomplish ng 100 things to do before she dies.
Isang pelikulang tumatalakay sa isang topic na normally ay ayaw nating pag-usapan--- death.
Isang matapang na pagharap sa isang katotohanang halos lahat tayo ay naduduwag na harapin.
Isang pelikulang tamang-tama ang timpla --- nagpapaiyak habang nagpapatawa, simple pero kumplikado, nakakatakot pero nakakalakas ng loob.
Maganda rin ang pagka-balanse ng drama at comedy, ng indie look at mainstream feel, ng pagka-youthful and modern at pagtanaw sa mga tradisyong kinamulatan na.
Maging ang mix of actors ay pinag-isipan ang timpla. Biro mo ba namang sina Tessie Tomas, Eugene Domingo at Cecile Paz, na kapwa mas kilala bilang mga komedyante ay nasa isang pelikulang seryosong tumatalakay sa death? Mabibilang nga sa isang palad kung ilang beses lamang sila nag-attempt na magpatawa dito, pero sa kabila noon ay close to perfect ang pagganap nila sa mga karakter nila. In fact, sa mga eksenang nakakatawa sila, yun din ang mga eksenang kumukurot sa puso.
Napag-uusapan na rin naman ang casting, sasabihin ko nang swak na swak si Mylene Dizon sa papel na Joyce. Before going to the moviehouse, part of me was wondering bakit hindi si Judy Ann Santos ang inilagay na bida. Tutal, hindi maitatatwang magaling na artista si Juday. Tutal, siya naman ang tipo ng artistang hindi nang-iisnab ng mga roles sa independent films. Tutal, kung nakakaiyak ang pelikulang ito siguradong kering-keri ni Juday. Tutal, may following naman si Juday kahit na ba hindi big-budget producer ang naglabas nito. Hmm, bakit nga ba?
Nasagot ang mga tanong ko sa first few minutes pa lamang ng pelikula. Oo nga, may atake si Mylene na hindi ko ma-imagine na makukuha ko kay Juday. May dating si Mylene na mixture of strength and vulnerability, pagiging bossy and weak. Malamang din, ayaw ng creative minds behind 100 na magmukhang all-out melodrama ang dating ng pelikula nila. Nang matapos kong panoorin ang pelikula, na-realize kong halos wala nga yatang eksenang umiyak o humagulgol ang character ni Mylene. Eh kung si Juday ang bida rito, baka hanapin ang signature Judy Ann scenes na nagbe-breakdown siya. Don’t get me wrong, I myself have watched most of Juday’s soap operas and movies and I am also somehow a fan of hers, pero sa pelikulang ito, ginampanan ni Mylene ang papel ni Joyce with excellence.
Kung close to perfect si Eugene Domingo sa role niya, si Mylene, perfect. Body language, voice projection, facial expressions, name it. Watching her makes me feel like she’s a close friend. And knowing that Joyce is going to die makes me feel like I’m the one who’s about to lose a loved one.
Napakagaling ng script. Tungkol sa kamatayan ang konsepto pero hindi soap opera ang atake ng storytelling. At the most, tatlong eksena lang ang natatandaan kong may nagtaas ng boses. Walang sampalan, walang hulugan sa hagdan, walang gaanong atungal. Walang eksena sa sementeryo, o naglulupasay sa tabi ng kabaong. Bilang isang manunulat, alam din ni Martinez kung ano lang ang nararapat na isaling mga eksena at ano ang hindi makakatulong sa pag-usad ng emosyon.
Very now, very conversational, very natural din ang mga linya ng characters. Hindi namimilit magpaiyak. Sa katunayan, ang mga nakakaiyak na eksena ay yung mga either nagpapatawa on the side, or yung mga eksenang tahimik, walang nagsasalita. Maganda rin ang pagkakahabi ng mga scenes. Hindi tumatalon, hindi nakakabigla. Pinag-isipan, gamit hindi lang ang utak, kundi pati ang puso. Maliban na lamang sa pagtawid ng eksenang galing sa Enchanted Kingdom papunta sa mga eksenang kinunan sa Hongkong. Kumurap lang ako sandali, nasa Hongkong na sila?! Hindi rin maganda ang mga shots sa Hongkong. I must admit I was disappointed. Parang amateur video lang, walang pinagkaiba kung ang pamangkin kong 15 years old ang humawak ng camera. Pero okay lang, sa tino ng pelikulang ito, papalampasin mo na ang amateur MTV-style Hongkong scenes. Sa galing nga ng cinematography ni Larry Manda, nasapawan ang musical score. Particularly ang songs ng Chili Tees na “Sama Na” at “Paikot-Ikot.” In fairness, may attempt na lapatan ng adequate na musika ang mga eksena, pero halos hindi ko napansin agad ito dahil busog na busog ang mga mata ko sa visuals at sa editing ni Ike Veneracion.
So ano nga ba ang nasa listahan ni Joyce na gusto niyang gawin bago siya mamatay? Eto ang mga patikim. Simulan natin sa mga praktikal at necessary: resign, pack books, settle bills, cut credit cards, donate clothes, end relationship with Rod (TJ Trinidad), find new human for Mingming (her cat), etc. Mayroon ding pampasaya sa kanya: Ate Vi films marathon, cook with best friend Ruby, sand spa, home massage, etc. Eto naman ang nasa itinerary nila sa Hongkong: picture with Mickey Mouse, night market, ride cable car, pig out ng dimsum, etc. Nang iwasan siya ng first love niyang si Emil (Eigenmann), she added some outrageous things in her list: eat crispy pata, eat ice cream, eat Lapid’s (chicharon), skinny dipping, get drunk, kiss a stranger. Nakalista rin ang mga gimik na never na niyang magagawa: Mag-Malate, kumanta, mag-jutes. At dahil personality ni Joyce na ayaw niyang maging alagain at pabigat sa mga maiiwan niya, nakalista rin ang mga ito: pick own casket, choose outfit for wake, download songs for wake, prepare hand-outs and powerpoint presentation. Para saan kanyo ang mga ito? Para daw i-print at ipalabas during wake para sa mga taong mag-uusisa kung paano siya namatay at nang hindi na mapagod ang mommy niya sa kakaulit ng kwento ng cause of death ni Joyce. Ok, noh?!
Kung tutuusin, to say that this film is just about dying would be unfair to its writer. Yes, it tackles death and dying, but it is also so much more. It is about a woman’s fight --- na hindi dapat magmukmok lamang sa kwarto ang isang taong may taning na. It is about friendship --- na ipinakita sa relationship nina Joyce at Ruby. Tipong till death do us part ang bond nilang dalawa. It is about closures --- itigil ang makasalanang relasyon nila ng pamilyadong si Rod at sabihing muli sa kanyang first love na si Emil ang kanyang wagas na pagmamahal. It is about acceptance --- “una una lang ‘yan!” It is about being brave --- to tell her mom that she’s dying. It is about that very special bond that only a mother and her daughter can share. Sa katunayan, isang malaking rason kung bakit tagos sa puso ang pelikulang ito ay dahil na rin sa pagkaka-tackle sa relasyon ni Joyce at ng nanay niya. Ipinakita dito na sa kabila ng pagmamahal ng mga kaibigan at kasintahan, ang pagmamahal ng ina pa rin ang pinaka-mapag-aruga, pinaka-hindi makasarili, at higit sa lahat, ang pinakahandang magsakripisyo.
Take the time to catch this film. It will make you stronger.
