Sam Milby on Showbiz and Saving

0
Your rating: None

Unang nakita ng ating mga kababayang nasa Pilipinas ang maamo at gwapong mukha ni SAM MILBY sa isang toothpaste commercial. Pero nang sumali siya sa Pinoy Big Brother (PBB) sa ABS-CBN, doon nagsimula ang kanyang instant na pagsikat. Sa gabi-gabing panonood ng mga fans ng naturang show, hindi maikakaila na ang “amboy” na ito is not just another pretty face, but is also good-natured and talented. Hindi tulad ng karamihan sa mga iniidolong artista sa showbiz na sanay tayong makitang fully-made up, nakaporma, laging may poise, si Sam ay nakita natin araw at gabi sa loob ng “bahay ni Kuya”nang bagong gising, hindi pa nakakasuklay, hindi pa naghihilamos, hindi pa nagsisipilyo. Nakita natin siyang inantok, gumising, lumabas-pumasok ng banyo, nainip, nainis, nalungkot, natuwa, na-discourage, na-senti sa sobrang pagka-miss sa mga mahal sa buhay. In short, una natin siyang nakita bilang ordinaryong tao bago pa man bilang isang artista.

Ngayon ay wala yatang hindi nakakikilala kay Sam Milby. In fact, hindi na kailangan pang banggitin ang apelyido niya, dahil katulad nina Ate Vi, Ate Guy at Piolo, he has reached undeniable fame and celebrity status.

Undeniable din ang mabilis na pagsikat ni Sam. Sa dami ng endorsements at successful shows niya, hindi maitatatwang mas mabilis pa ang pag-ungos niya kumpara sa maraming artista. Kalalabas pa lamang niya sa PBB ay may regular segment na agad siya sa Sunday variety show na ASAP na tinawag na Sam Sessions. Ang mga shows niya ay palaging nagre-rate. Kabi-kabila ang TV guestings, at hindi rin natagalan bago pa siya nagkaroon ng mga lead roles sa mga pelikula. Sa simula ay inakala ng lahat na bilang isang rocker/heartthrob ang landas na patutunguhan niya. Kung kani-kaninong naggagandahang artista siya ipinareha. Nariyan sina Say Alonzo, Toni Gonzaga, Anne Curtis to name a few. Pero ang primetime soap na Maging Sino Ka Man ang nagpakilala kay Sam bilang isang serious actor. Sa trailer pa lang ng naturang soap opera ay kinakitaan na agad ng galing sa pag-arte si Sam. “I never said that I love you,” yan ay isa lamang sa mga memorable lines ni Sam sa soap na ito.

Pero marami ang nagtatanong--- bigla ang pagsulpot ng isang Sam Milby sa showbiz, pero saan ba siya galing? Bago siya sumulpot, sino ba si Sam?

Born to a Filipina and an American, lumaki si Sam sa Estados Unidos. Tubong Surigao ang kanyang ina at hindi hinayaang lumaki si Sam nang hindi kilala ang pagiging isang Pinoy. Nang tanungin ko siya tungkol sa kanyang childhood, ito ang sagot niya, “My childhood was mainly sports. I got into most sports but the one my sister and I got into competitively was skating. I spent most of my childhood training, competing, traveling. I even lived with my coach for six years, from when I was about 9 until when I was 15 years old. I also took home schooling so that I could train more. “

Naalala ko nga na napanood ko ang episode sa PBB nang may ipalabas na videotape ni Sam nang nagpe-perform ito sa isang Skating competition. Hiyang-hiya si Sam nang ipakita ito dahil hindi niya rin akalain na makakakuha si Big Brother ng kopya nito. Isa sa mga touching episodes sa PBB nuon ay nang makatanggap si Sam ng package from his family abroad, naglalaman ito ng magazine mula sa lugar nila. Parang mas lalong na-miss ni Sam ang pamilya niya nang dahil sa act of thoughtfulness na ito.

Sa interview na ito, nabanggit din ni Sam na minsan siyang nagtrabaho sa bilang crew sa isang fastfood company kung saan nag-gain siya ng 25lbs. Naalala ko tuloy ang fat suit na isinuot niya sa pelikula niyang Big Love.

Napakalaking tulong sa pagsikat ni Sam ang wisdom and creativity ng kanyang manager na si Erickson Raymundo. I personally know Erickson mula pa nang hindi pa siya nagma-manage ng mga talents, kaya naman nang malaman kong nasa roster of talents niya si Sam ay binati ko siya sa maganda, maayos at matinong pag-handle niya sa career nito. Kilala ko si Erick na isang taong may paninindigan at integridad kaya naman hindi rin kagulat-gulat ang napakaganda at napaka-disenteng takbo ng karera ni Sam.

It is also interesting to note na tinuturing ni Sam ang sarili niya bilang isang matipid na tao. Hindi siya kakaiba sa ating lahat na nagtatrabaho at umaasa sa sweldo (talent fee in his case). Kaya naman naniniwala siya sa kahalagahan ng pagtitipid at pag-iipon. Sa katunayan, inipon lamang niya ang una niyang sweldo upang makabili ng condo at kotse. It only took a few months bago niya nagawa ito.

Kinawiwilihan lamang niyang bilhin recently ay mga gadets, very typical male. Sa ngayon, malaking bahagi ng kanyang kinikita ay ang amortization para sa condo. “At gas! Mahal na naman!,” he adds. Bagamat hind siya breadwinner at walang sinusuportahan, sinabi ni Sam na handa siyang tumulong sa pamilya niya oras na kailanganin siya ng mga ito.

Maliban sa pag-iipon, natutunan na rin ni Sam na mag-venture into business. Kasama ang isang kaibigan, mayroon siya ngayong “build and sell” business. “Matatapos na ang first house namin,” he proudly announces.

Sa ngayon, bahagi si Sam ng  ONLY YOU, isang primetime fantaserye na kung saan isa siya sa mga lead actors kasama sina Angel Locsin at Diether Ocampo.

Para sa mga kababayan natin, ito ang mensahe ni Sam, “Sa lahat ng mga kapamilya na sumusoporta sa akin, maraming maraming salamat po. At sana magustuhan nyo po ang bagong teleserye naming ‘Only You'. Hope you all can support the way you supported ‘Maging Sino Ka Man’ and 'Dyosa'. Maraming salamat po ulit!”