In My Life, A Movie Review

0
Your rating: None

Cast:    Vilma Santos

            John Lloyd Cruz

            Luis Manzano

Script: Raymond Lee and Olive Lamasan

Director: Olive Lamasan

Producer: Star Cinema

Synopsis:

Isang librarian si Shirley Templo (Santos). Hiwalay sa asawa, nagsipag-abroad na ang mga anak. Gusto pang alisan ng tinitirhan dahil gusto ng mga anak na ibenta ang bahay at lupa. Kaya’t mapipilitang tanggapin ang imbitasyon ng solong anak na lalaking si Mark (Manzano) na magbakasyon muna siya sa New York. Doon niya makikilala si Noel (Cruz) na boyfriend ni Mark. Sa bakasyong ito magsisimula ang  isang bagong chapter sa buhay ni Shirley tungkol sa adjustments, realizations, discovery, humility, acceptance at moving on.

Review:

If I am not mistaken, about a month before Star Cinema started promoting this movie, nagpalabas ng series of Vilma Santos specials ang ABS-CBN. At ang last episode ng series na iyon ay ang tungkol sa adventures at misadventures nina Santos, Cruz at Manzano sa New York, ang tungkol sa shooting ng pelikula, at kung gaano nila pinapaganda ang outcome. A few days after, nagsilabasan ang mga press release, trailers and guestings para i-promote ang pelikula. Tadtad ng promotional trailers ang mga commercial breaks ng mga shows na umeere sa ABS-CBN. During the first few days mula nang ipalabas, puro raves about this movie ang shout-outs ng mga kaibigan ko sa Facebook. Puro positive, puro masigabong palakpak.

Kaya naman, pagpasok ko sa sinehan, nakatatak na sa isip kong isang fabulous na pelikula ang aking binayaran upang mapanood. So there, I guess mataas na agad ang expectations ko kaya as I was there sitting through the movie, maraming pagkakataong napapaisip ako… ako lang ba ‘to? Ba’t parang hindi ako namo-move? Parang nakukulangan ako?

Ok, isa-isahin natin. I-categorize natin sa good and not-so-good points. Or maybe a better way of putting it is, what I liked and didn’t like in this film.

What I liked:

Performances– you can never go wrong with Ate Vi. She won’t be the Star For All Seasons for nothing. John Lloyd Cruz is genuine. Once again, he proved to be best actor material by superbly portraying a character he hasn’t done before. Luis Manzano has yet a lot to learn but he deserves to be commended in this movie. Drama na, bading pa. And we all know he’s straight. Kaya kudos to him dahil nabigyan niya ng hustisya ang role niya.

Setting– unlike a number of local films na kinunan abroad o in the provinces, hindi nagmukhang travelogue ang pelikulang ito. Backdrop lang talaga ang pagtrato sa New York at lumutang pa rin ang istorya. Hindi nasapawan ang plot at characters ng fact na nasa New York sila.

Focus – I must admit, mixed feelings ako nuong una kung papanoorin ko nga ba ang pelikulang ito. I have never been fond of gay films. Marami akong gay acquaintances and a number of them I consider true friends. Pero para sa mga hindi rin komportable sa topic na homosexuality, good news. Luis’ and John Lloyd’s roles being gays are not the focus of this movie. In My Life is actually a mother’s story. In fact, nang dumating si Shirley sa New York, alam na niyang bading ang anak niya. So this movie isn’t about a mother finding out her son’s sexual preference.

Speaking of focus, hindi rin nag-focus sa pag-maintain ng pagka-glamorosa ni Ate Vi. I have heard quite a lot of stories ng mga sikat na celebrities na ayaw masyadong pinapaiyak sila ng director dahil baka hindi maganda ang rehistro nila sa camera. O kaya dapat, lahat ng outfit na isusuot niya sa pelikula, branded and crisp to the point na nagmumukha siyang nagfa-fashion show. In this movie, normal lang ang damit ni Ate Vi. Pang-librarian, pang-guidance counselor o principal.

Image – walang kebs ang characters at portrayal ng tatlong bida sa kung makakasama ba ang role sa image nila bilang artista. Biro mo, si John Lloyd at Luis na considered mga heartthrobs, gumanap na mga bading? Just goes to show na hindi sila takot na makakaapekto ito sa pagiging heartthrobs nila. At syempre, si Ate Vi. Governor na ‘yan ng Batangas, pero ok lang na may mga eksenang pinagtitripan siya, nagiging butangera, tatanga-tanga, judgemental, bungangera, bakya, natatameme sa English, atbp. Kumbaga, para sa ikagaganda ng pelikula, hindi naging hadlang ang baka makasama ito sa political image niya.

Very true din ang image na ipinakita tungkol sa mga nanay. Sure, hindi lahat ng nanay ay parang si Shirley Templo, pero hindi mahirap makahanap ng nanay na tulad niya. Sa kapitbahay, sa mga kamag-anak, kahit siguro sa sarili nating mga bahay. Yung nanay na edukada pero kapag naharap na sa foreigner, natatameme na na para bang hindi marunong mag-construct ng matinong English sentence. Yung nanay na tarantahin, reklamador, praning, selosa, at hindi ma-gets-gets kung paano i-operate ang computer.

JLC– John Lloyd Cruz, that is. Oo, at talagang separate entry siya. Ok, nabanggit ko na kaninang mahusay ang pakakaganap niya sa role niya. But I’ll say it again. Hindi madaling i-portray ang papel ni Noel – dahil aside from being gay, (and JLC is not), hindi typical JLC roles ang isang ito. Maingay, madaldal, pero caring, nurturing, self-sacrificing. Unlike his roles in A Very Special Love at You Changed My Life, hindi siya nagpakilig at tumitig nang nakakatunaw dito. Pero take note of that scene where he saw Mark (Manzano) with his ex boyfriend, David, ha? Kahit hindi ako bading, naawa ako at naintindihan ang pagseselos sa mga mata ni Noel. Bakit nakakadala pa rin ang portrayal niya? Kasi likas na mahusay siya. Kasi kahit malamang ay in-internalize niya ang papel ni Noel, hindi lumabas na stiff o aral ang pagkakaganap niya.

The Picnic Scene– sa bandang huli na ang eksenang ito. So you can just imagine na kanina pa ako naghihintay ng eksenang madadala ako, makakalimutan kong ire-rebyu ko ito, isang eksenang pasimpleng magpapahid ako ng luha ko... until this scene came up. Usapan ng mag-inang Mark at Shirley. Usapan tungkol sa nakaraan, sa pinagdaanan nila,  sa mga expectations nila sa isa’t isa, sa epekto ng mga hindi natupad na expectations na ito sa present lives nila. For a while there, I felt a tear. Pero before and after that scene, nakaupo na lang ako’t nakatingin sa big screen, contemplating on buying a bag of popcorn.

“That” scene– dahil ayokong magbigay ng spoilers, let me just say that the scene where Mark got out of a cab and shouted “asshole!” and what happened next was unexpected. I even asked my friend from the effects department how they shoot such scenes.

What I Didn’t Like:

Mark and Noel’s apartment– Ayokong mag-generalize, ha? Pero karamihan sa mga kaibigan kong bading, masinop sa bahay. May color scheme ang furnitures, parang pina-interior design ang mga tirahan nila, modern at spic and span ang abode nila. Nawindang ako nang una kong makita ang apartment nina Mark at Noel. Ang gulo! Walang effort kahit man lang sa kurtina. Walang personality, or should I say, out of character ang furnitures, home décor at appliances nila. To think na kumikita naman sila nang maganda, to think na may good taste sila sa pananamit. Bakit naman hindi kinarir ang production design ng bahay nila?

Supporting roles– Di ko ma-gets bakit OA ang portrayal ni Dimples Romana. Dahil ba sa butangera ang nanay niya (si Shirley) kaya ganun din siya umasta? Rafael Rosel- sayang, hindi masyado na-utilize ang acting skills niya. Nikki Valdez and Vice Ganda – no comment.

Not-so-funny funnies – the first half of the movie was more comedy than drama. But a few of the supposedly funny scenes and/or lines don’t deliver. Hindi lang pala ako, pero may mga nakausap akong hindi nila agad na-gets ang linya ni Shirley na “Echo, echo, echo. Oo, oo, oo!” Pati yung tumawa nang tumawa si Shirley matapos lait-laitin ng character ni Vice Ganda ang itsura niya, hindi ko ma-gets kung ano ang nakakatawa duon, at bakit kailangang ganoon kahaba ang tawa. Ang acting din ni Vice Ganda, hindi nakakatawa.

Melodrama– na naman! Pagdating ng second half of the movie, hindi naiwasang lagyan na naman ng mga device, eksena at linyang narinig na natin nang sampung beses sa mga pelikulang tagalog at soap opera. Hindi ba pwedeng i-portray ang drama nang walang sigawan at sampalan at walk out? And must i say that the melodrama is just one of the many clichés I have noticed in the film? Ang problema sa citizenship ni Noel is one, ang Pamela angle is another… okay, I already said I don’t want to provide spoilers, kaya hanggang dito na lang.

So, will I recommend this? Ok lang. Pwede. Pero it’s not something that I will want to watch over and over again. This doesn’t mean though that I like Ate Vi less because of this film. It’s the other way around, in fact. For accepting such a role and for giving justice to the role, I realized that I like her even more.