For The First Time (A Movie Review)

0
Your rating: None

Cast:  

Richard Guttierrez
KC Concepcion
Candy Pangilinan
TJ Trinidad
Philip Salvador

Story and Screenplay: Vanessa Valdez  

Director: Joyce Bernal  

Producer: Star Cinema

Synopsis:

Isa sa mga boss si Pia (KC Concepcion) sa family business nila. Supportive ang kanyang kuya na si Gregory (TJ Trinidad) pero slavedriver naman ang kanyang ama na ginampanan ni Philip Salvador. Ilang beses nang gustong mag-resign ni Pia pero dahil na rin sa pagmamahal sa ama ay hindi matuloy-tuloy ito. Ilang beses na ring nagbalak magbakasyon sa Greece pero dahil pa rin sa trabaho ay pino-postpone niya ito. Hanggang sa itulak siya ng kapatid na si Gregory na ituloy ang much-deserved vacation kasama ang yaya na ginampanan naman ni Candy Pangilinan. Makikipagkita kasi ang yaya sa penpal/kasintahan nitong isang waiter sa Greece at sagot ni Pia ang byaheng ito.

Sa Santorini, Greece, puno pa rin ang itinerary ni Pia. Nakalista ang lahat ng mga dapat gawin at bilhin. Pati mga follow-up calls na work-related, nakasulat sa notebook niya. On their first day, habang nagsisyesta si Pia, biglang may tumabi sa kanyang lalaki sa kama… si Alexi (Richard Guttierrez). Abot-abot na pambubugbog at karate moves ang inabot ni Alexi kay Pia, who happens to know him from the Philippines. Si Alexi ang lalaking nakapagpaiyak sa napakaraming babae, na mga best friends naman ni Pia. Kaya ganun na lang ang galit ni Pia kay Alexi, o Seth na siyang pangalang ginagamit nito sa Pilipinas.

Turns out si Seth pala ang may-ari ng bahay na tinutuluyan nila sa Santorini, at ito rin ang boss ng ka-penpal ng yaya ni Pia. Small world.

 

Review:

Kung may mga pelikulang kinokonsidera ng mga producer na isang sugal, ang For the First Time definitely ay hindi kasama sa mga pelikulang iyon. Casting na casting pa lang, sigurado nang panonoorin at pipilahan pa ng mga tao. Never mind na kinailangan nilang magbyahe at mag-shooting sa Greece. Never mind na malaki ang talent fee ng major stars ng pelikula. Never mind na mukhang pinagkagastusan ang marketing at promotion… dahil ang For the First Time ang tipo ng pelikulang siguradong kikita. Marami akong kakilalang hindi big fans nina Richard at KC pero dahil out of curiosity ay pumila kahit sa first day pa lang

Isa sa mga unang-unang masasabi ko sa pelikulang ito ng Star Cinema is that this is a good-looking film. From the casting to the location to the production design to the wardrobe. Pinag-isipan, pinag-aralan, pinagplanuhan. Needless to say, KC and Richard are one of the most good-looking faces in Philippine show business. Ang location, aside from the fact na awesome talaga ang Greece at pati mga shots ay breathtaking, ultimong ang mga eksenang kinunan sa opisinang pinagtatrabahuhan ni Pia, ang bahay na tinirhan nila sa Santorini, ang restaurant na mina-manage ni Seth, ang ancestral house ng pamilya ni Seth sa Pilipinas, ang restaurant na itinayo ni Seth sa Pilipinas in honor of Pia, ang lahat ng yan ay magaganda at alam mong piniling mabuti.

Nagustuhan ko rin ang acting ni Richard sa pelikulang ito. For a change, he plays the role of a player. Magaling manligaw, matamis ang dila, mabulaklak magsalita, maangas. For a change, hindi siya boy next door dito, hindi malambing, hindi naglulumuhod mapasagot lang ang isang babae (until iwasan na siya ni Pia later in the story). Mayabang si Seth, rough, nang-aagaw ng notebook ng iba, ang without asking their permission ay babasahin ang kung anong personal na nakasulat doon. One of the memorable scenes in the film ay nang itulak niya without warning si KC sa ilog. One of his memorable lines in the film ay ang “Let me be your vacation,” na sinabi niya upang hikayatin si Pia na kalimutan ang itinerary at mag-enjoy ng kahit isang araw man lang kasama si Seth--- no lists, no plans, no rules.

On the other hand, nice touch sa character ni KC ang mga eksenang tinanggalan siya ng poise, ng finesse. Hinagis sa ilog, umutot nang maraming beses, nangamatis ang ilong sa kakaiyak, nasiraan ng tiyan, binatukan ng yaya, binuhat nang patiwarik, humilik. Pero may mga eksenang na-bother ako dahil may mga excessive gestures siya, mga unnecessary movements which remind me of how Koreanovela actresses act.

As for Candy Pangilinan, seasoned comedian na talaga siya. Kahit ilang beses na niyang ginampanan ang role of a best friend, palaging nahahanapan niya ng atake ang acting niya in such a way na laging bago, laging unpredictable, laging exciting. In this case, though she plays the role of a yaya, pero sounding board pa rin. Yaya with a twist, kasi siya pa ang nanininghal at bumabatok sa amo niya. In one scene, hinila-hila at binatak-batak niya ang mukha at bibig ni KC para lang mag-sorry kay Richard. Nawala nga lang siyang parang bula sa last quarter of the film, parang nakalimutan na lang bigla ang character niya.

It’s a good thing they included in the cast some of the Pinoy Big Brother alumni like Beatriz Saw, Bruce Quebral and Gee-Ann Abraham. Wala nga lang gaanong lines sina Bruce at Gee-ann, literally para lang silang naging dekorasyon. Lalo na si Gee-ann na halatang conscious sa camera. At one point, pina-exit frame na lang siya at off-screen na lang narinig ang sinabi niyang, “Party pa tayo!”

Story-wise, I can say na hindi ito ang unang pagkakataon kong nakapanood ng ganitong conflict sa pelikula. Happy go lucky ang lalaki, very organized and good daughter naman si babae. Kung sa mga soap opera sa TV ay nagmumukhang maliit ang mundo dahil sa mga coincidence na nagkita sa simbahan, sa mall, sa eskwelahan, mas maliit ang mundo ng For the First Time. Nag-Greece na nga si Pia, nagkita pa sila ni Seth! Living in the same city, under the same roof!

Medyo nabibilisan din ako sa change of heart ni Pia. From someone who hates Seth so much, nangangalahating araw pa lang silang magkasama around Santorini, ang sweet sweet na niya agad dito. To think tinulak siya nito sa ilog, hindi ba dapat mas lalo siyang magagalit? Nagulat ako nang nakangiti na agad siyang nakikipaglaro kay Seth sa tubig. Next scene, upang magkubli sa init ng araw, nag-share pa talaga sila sa white cloth ni Pia, close na agad sila! For someone na nagsimulang sobrang galit, not even just inis, nabibilisan ako at nakalimutan na niya agad ang hatred niya.

May mga eksena ring nakakagulat, walang set-up. Bigla na lang may restaurant sa Pilipinas si Seth, bigla na lang naka-gather na doon ang lahat ng mga past girlfriends niya, bigla na lang may note sa isa sa mga mesa sa restaurant na naka-address para kay Pia, bigla na lang may isang babaeng pagewang-gewang ang lakad at inaalalayan ni Seth sa kotse. I’m assuming that’s one of his past girlfriends na nalasing.

Isa pa sa mga nakapagpataas ng kilay ko ay ang ending. I find Pia’s speech in front of Seth’s family corny. Dagdag pa riyan ay kasama pa niya ang daddy niya sa pagpunta sa restaurant ni Seth to meet his family, I find it is so out of character sa daddy ni Pia na lunukin ang pride at tumayo doon, not even a smile on his face, as he listens to his daughter’s speech. Kung paano nila ipinakitang bato ang role ng daddy all throughout the film, kung paano ipinakitang very strict siya at very against his daughter’s relationship with Seth, kung paano ipinakitang perfectionist siya when it comes to work, hindi naging madulas ang pag-transform niya into an understanding and supportive father. Besides, napaka-awkward ng itsura ni Philip Salvador habang nakatayo siya doon at hindi pa napapakilala ni KC sa ibang mga characters in the scene.

Kung irerekomenda ko ang pelikulang ito? Oo. Effective naman ang mga kilig moments, magaganda ang shots, magaling ang mga actors, may timing ang comedy, may dramatic highlights. With Richard being the top star ng GMA Network and KC being  ABS-CBN’s hottest star, how can you go wrong?