“Baler” A Movie Review
Alam mo yung feeling ng madami kang kinain pero parang hindi ka nabusog? Yung antagal mo sa hapag-kainan, subo ka nang subo pero yung pagkain parang hindi umaabot sa sikmura?
Yun ang pakiramdam ko matapos kong mapanood ang Baler.
Ginugol ko ang dalawang oras sa loob ng sinehan, marami akong nakita, may mga bagong kaalaman akong natuklasan, tinangka kong busugin ang aking senses, nilasap ko ang mga linya sa pelikula… pero paglabas ko, parang may kulang pa rin. Parang hindi umabot sa sikmura. Parang natunaw na agad habang nasa lalamunan pa lang.
Malamang dahil mataas ang expectations ko sa pelikulang ito. Malamang dahil alam kong maraming nakagusto sa palabas na ito, inasahan kong busog na busog ako pagkatapos.
But don’t get me wrong. Matino ang Baler. Punung-puno ng good intentions. Intentions to deliver good performances, to tell a good story, to educate and entertain, to transport the viewer to a period worth knowing, to render a good cinema experience.
Ang “Baler” ay base sa kasaysayan--- ang Siege of Baler, na nangyari nuong buntot na ng Philippine-Spanish War, nuong may 57 sundalong nagtago sa simbahan laban sa mga Filipino rebel troops. The major events and officials involved in the movie are real people, tulad nina Captain Enrique de Las Morenas, ang kumander ng fifty-seven man Spanish detachment of the Second Expeditionary Rifle Battalion, na ginampanan ni Baron Geisler; si Colonel Calixto Villacorte (Leo Martinez) who had a force of around 800 Filipinos; si Lt. Saturnino Martin-Cerezo (Ryan Eigenmann) at Lt. Juan Alonzo Zayas, a native of Puerto Rico (Bernard Palanca).
Ang siege of Baler ang backdrop ng pelikulang ito, pero ang istorya ay nakasentro sa pag-iibigan ng isang Half-Spanish Half Filipino soldier na si Celso Resurreccion (Jericho Rosales), at ng isang native of Baler, Quezon na si Feliza Reyes (Anne Curtis).
Sabi nga ng character ni Mark Bautista na siyang gumanap na isa ring sundalong Pinoy na si Lope, “Mahirap umibig sa panahon ng digmaan.” This the film effectively portrayed. At kung mayroon mang pinaka-effective ang pagganap sa pelikulang ito, iyon ay sina Philip Salvador (who won as Best Supporting Actor) at Jericho Rosales. Sayang nga lamang na hindi naiuwi ni Echo ang Best Actor trophy sa recently held MMFF Awards Night. I am not a big Jericho fan, but I had to give it to him in this one. Watching him in this film convinces me that he gave everything for this project. Iyon nga lang, hindi convincing na isa siyang kalahating Kastila. Nakakatawa rin ang isang eksenang topless si Celso, his chest and muscles bulging, looking buff and fresh from the gym, at ito ang sinasabi niya, “Lahat kami, konti lang ang nakakain.”
Gayundin si Anne Curtis, si Feliza Reyes na isang native ng Baler. Napaka-tisay niya para sa role na ginampanan niya… thanks to her much improved acting, may mga pagkakataon during my sitting there and watching her na nakakalimutan kong mestisa siya. I am personally happy for her sa pagkapanalo niya bilang Best Actress… she has indeed come a long way. Gone are the days na kinukutya siya sa kanyang not-so-pleasing speaking voice. Nabo-bother lang ako dahil for a Filipina woman living in the time of war, not to mention na isang remote area ang Baler ng mga panahong iyon, very demonstrative and expressive si Feliza. Hindi lamang isang pagkakataon na siya pa ang unang hahalik at yayakap kay Celso. Kumbaga sa present lingo, halatang patay na patay siya kay Celso.
Baron Geisler did a good job, too as Capt. Las Morenas. He must have a good memory to be able to deliver that long speech in Spanish, may mga sablay nga lang sa diction pero pwede na. It is good to see Alvin Anson and Jao Mapa again. For giving these fine actors a chance to be in the movies again, papalakpakan ko ang Viva Films.
I also want to commend on the cinematography of Baler. Awesome, nakakadala. But this does not mean that all the scenes are excellent. The fight scene at the start of the film looked like a montage. Kulang sa puso, hindi nakaka-carried away. There are also good intentions when it comes to production design. Ang simbahan ng San Luis de Tolosa where the soldiers hid for more than a year looked very fake, though. May isang eksena ring nagbabasa ng love letter si Feliza. Gabi, madilim, hawak niya ang lampara sa ilalim ng love letter… hmmm, paano niya nababasa ang liham eh nasa ilalim ang source of light niya?
Tungkol naman sa storytelling, masaya ako na sa kabila ng pagiging Creative Consultant ni Roy Iglesias sa mga afternoon soap operas sa GMA Network ay hindi naging “soapy” ang kanyang screenplay. May mga nakakalusot na melodramatic lines and corny scenes that remind me of formulaic soap operas, pero mapapalampas ko ang mga iyon. Medyo naging dragging sa kalagitnaan ang takbo ng narrative. I understand that they want to communicate the hopelessness of the soldiers subalit just as the soldiers were getting more bored with each passing month, ganun din ang boredom na naramdaman ko mula sa gitna hanggang sa katapusan ng pelikula. Thanks to some touching scenes, tulad ng reunion ni Gabriel (Carlo Aquino) at ni Daniel (Salvador) kung saan pinatunayan ng dalawang aktor na ito na nariyan pa rin ang kanilang talento, at ang discovery ni Feliza sa kinahinantan ni Celso sa loob ng simbahan, nagkaroon din naman ako ng edge-of-your seat-moments during Baler. Kudos kina Iglesias at Meily for coming up with a brave ending. Kung pagiging komersyal ang habol nila, malamang iba ang ending ng Baler. But still, they opted to brave it out and go for authenticity. It is interesting to note that in my research, mayroon ngang dalawang sundalong in-execute ni Lt. Martin-Cerezo a day before the surrender.
All in all, maganda ang Baler. Although sinabi ko sa simula ng rebyung ito na hindi ako nabusog. Pero diba, hindi naman como hindi ka nabusog eh hindi na masarap ang kinain mo. Masarap, hindi nga lang sapat. Pero hindi ko pa rin pinagsisihan ang P171.00 na ibinayad ko sa sinehan. Aaminin ko, hindi ko natatandaang napag-aralan namin nuon ang tungkol sa Siege of Baler, delayed reaction nga ako sa panghihinayang sa buhay ng mga na-execute isang araw bago pa sila makalaya sa simbahang pinagtaguan nila ng 337 days. Salamat sa mga nasa likod ng pelikulang ito, thank you for taking the risk and telling this story. At congratulations para sa mga award na ito…
Mark Meily – Best Director
Baler – Best Picture
Roy Iglesias – Best Screenplay
Anne Curtis – Best Actress
Phillip Salvador – Best Supporting Actor
Lee Meily – Best Cinematography
Aped Santos – Best Production Design
Danny Anoñuevo – Best Editing
Gender-Sensitive Award
Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
