| Organize and Simplify by Mommy A , Mar 02, 2009 at 11:45 AM |
|
|
|
|
More than a month na akong walang yaya/all-around maid. Paalam niya, 2 weeks lang. pero kung ‘di pa ko nangamusta, hindi magte-text na may trangkaso daw siya. Hmmm, 1 month na trangkaso? Tapos na ako sa give-her-the-benefit-of-the-doubt phase. Nakakaimbyerna kasing ginagawa kang T eh hindi naman ako pinanganak kahapon, noh? Anyway, proud lang ako na na kung kelan walang kasambahay, saka pa umayos ang bahay namin. As in luminis, nagkaroon ng organization, mas maganda tingnan. Na-realize ko rin na maluwag sa pakiramdam yung wala kang pinakikisamahan, wala kang iniisip na baka gutom na siya, baka pagod na siya, baka malungkot na naman siya. Medyo ganun kasi yun, na-spoil kasi sa unang amo. Kung babalik siya this week, papa-check up ko muna. Kung ‘di pumasa sa medical, tsugi na. Bahala na si Lord, for sure meron pang iba diyan. So back to the house kwento, yes, natutuwa ako sa bahay namin ngayon. Pinagtulungan namin ni husband na i-organize yung kitchen. Pinagpahinga na rin namin ni Romy yung old ref niyang may sentimental value at yung bagong ref na ang sinaksak. Naninibago pa ako, though dahil sa dami ng compartment, hindi ko agad mahanap ang mga hinahanap ko. Nag-dispose rin kami ng sangkaterbang gamit na nakatambak lang sa ilalim ng stairs, at nagtapon ng mga unnecessary stuff na naga-accumulate ng space sa stock room. Tinapon na ang bath tub ni Aliya dahil nakatayo naman na siya pag naliligo, big girl na kasi. Hindi ko pa lang alam kung saan ilalagay ang napakalaking box na pinaglagyan ng wedding gown ko. Nakakahinayang kasi itapon kasi matibay na kahon yun. Pinakanatutuwa ako sa newly-installed shelf sa stock room. The Martha Stewart in me felt super ecstatic while organizing the stuff there. Nagkaroon pa kami tuloy ng mini library. This afternoon, lilinisin at ide-decorate namin yung playroom ni Aliya. When a cleaning lady came over last Wednesday and I had her take out all of Aliya’s rubber mats, I realized na better if wag na namin ibalik yung mats. Mas madali linisin, mas maganda tingnan, and besides, Aliya doesn’t need those anymore. Hindi naman na siya nadadapa-dapa. Sa living room nga, sa semento siya naglalaro, para que pa na may pa-rubber rubber mat sa playroom. So yun, baka itodo ko na at ilabas na rin ang mga dinner ware na super sosyal na natanggap namin nung wedding. Sayang kasi 3 years nang nakatago lang. Next project, itong desktop, kelangan na ring i-organize. Sobrang daming files na hindi na kailangan. Time to simplify. Hmm, simplify seems to be the word of the month. Yun din kasi ang dapat gawin sa pilot script nung binubuong show. I guess kelangan ko nang tapusin lahat ng pagsi-simplify dito sa bahay dahil next week, yung parte ko na sa script na ang haharapin ko.
|
|
| Last Updated ( Oct 05, 2009 at 02:38 AM ) | |
| <Previous | Next> |
|---|


