search this site
Articles
Forum Topics
Subscribe to RSS Feeds
Live Clock
 
Bakit Sikat Si Darna?  by Mommy A ,  Apr 13, 2009 at 07:28 AM PDF Print E-mail

Sino ang hindi nakakikilala kay Darna? Matanda man o bata, babae o lalaki, mayaman o mahirap, kilalang-kilala siya. Kahit na ba 1950 pa nang unang ni-launch ng creator nitong si Mars Ravelo ang Darna, up to this day ay siya pa rin ang unang-unang pumapasok sa isip ng tao kapag sinabing Pinoy superhero. Nariyan sina Captain Barbell, Lastikman at iba pa, pero hindi maitatanggi ang atraksyon ng mga tao kay Darna.

Isang babaeng nagngangalang Narda na nakapulot ng puting bato. Nang isubo at lunukin niya ang bato, isinigaw niya ang pangalang nakaukit dito… “Darna!”  She automatically transforms into Darna, the superhero. Sa lahat ng bersion ng mga higit-kumulong labing-apat na pelikulang Darna,

ito ang consistent na elemento. Kaya naman tumatak na rin sa isip ng mga tao ang catchphrase ng Darna na, “Ding! Ang bato!” Bilang Narda kasi ay may kapatid siyang lalaki, si Ding. Her secret is revealed to Ding kaya kapag kailangan niyang mag-transform sa pagiging Darna, hinihingi niya ang bato kay Ding.

Sinasabing nang ginawa ni Filipino comics legend Mars Ravelo ang Darna, sinadya niyang gawing babae ang superhero na ito sa kabila ng malimit niyang pagbabasa ng mga Superman at Captain Marvel. Ito ay dahil sa lumaki siyang walang ama at ang kanyang ina ang tumayong hero ng buhay niya. Si Ding, na malimit tulungan at isalba ni Darna, ang nagrerepresenta kay Ginoong Ravelo.

Kaya marahil mabilis napamahal si Darna sa mga Pinoy. Tayo na mataas ang tingin sa mga kababaihan, tayo na rumerespeto sa ating mga ina, tayo na bilib sa diskarte at galing ng Pinay,  tayo na ang tingin sa mga kababaihan sa pamilya natin ay mga superhero.

Marahil, nang unang ipinakilala ang Darna sa masa, may ilang nagtaas ng kilay --- bakit babae? At napakalakas niya, napakagaling, napakabilis, napakatalino, at nakakalipad pa?! Considering ang dekadang ni-launch ang Darna, personal kong naisip na hindi malayong nagkaroon ng ganitong mga reaksyon. Pero saludo ako kay Ginoong Ravelo for coming up with this idea, this series, this character. Tingnan na lang natin ngayon kung ano na ang narating ni Darna. Kung isa siyang artista, mayaman na siya sa dami ng pelikula niya. May mga TV series pa!

Speaking of movies, let me mention some of the movies produced with Darna as the lead character: Darna (1951) starring Rosa Del Rosario and directed by Fernando Poe Jr., Darna at ang Babaing Lawin (1952) starring Rosa Del Rosario and directed by Carlos Vander Toloso, Si Darna at ang Impaktita (1963) starring Liza Moreno and directed by  Danilo Santiago, Darna at ang Planetman (1969) starring Gina Pareno and directed by Marcelino Navarro. Malaking bahagi rin ng pagdadalaga ng award-winning actress and politician Vilma Santos ang mga Darna movies na nagawa niya. Ilan lamang sa mga ito ang Lipad, Darna Lipad! (1973), Darna and the Giants, at ang Darna and Ding. Maging ang mga de-kalibreng komedyanteng sina Dolphy at Chiquito ay gumanap na Darna sa Darna Kuno? At Teribol Dobol, respectively.

Sa katunayan, marami pa ring mga Darna fans noon na hanggang ngayon ay tandang-tanda pa ang mga eksena, plots at mga nakalaban ni Darna sa mga nasabing pelikula. Mga villains na tulad ni Darna ay naging memorable din sa mga Pinoy, tulad nina Babaing Tuod, Electra, Isputnik at Valentina.

Personally, nuong bata pa ako ay fan na ako ng Darna. Naaalala ko pa ang mga black and white movies sa afternoon television – palaging pinalalabas ang mga Darna movies. Kaya naman isang araw ay ginawan ako ng papa ko ng headdress ni Darna. Kahit saan ako magpunta noon ay suot ko ang headdress na iyon. Maging sa pagdalaw namin sa mga namayapa naming mga kamag-anak sa Loyola Memorial sa Marikina ay suot-suot ko ang nasabing headdress.

Isa sa mga naisulat kong primetime TV series ay ang remake ng Darna na ginawa ng GMA Network nuong 2005. Ramdam na ramdam namin ng mga kasamahan ko sa writing pool ang excitement ng viewing public nang unang in-announce ng GMA na magkakaroon ng Darna series in a few months. Katatapos pa lamang gawin ni Angel Locsin ang Mulawin, kung saan isa rin ako sa mga manunulat, and the audience is clamoring for more of Angel. Halos walang pahinga, nag-tape na agad siya ng Darna. Ang primer na ipinalabas a few days before the pilot episode ng nasabing TV series ay talaga namang pinanood ng madla, basing on the ratings. On the night of the pilot episode itself, parang tumigil ang mundo ng marami, especially Darna fans. Sa malaking TV screen sa Mendiola, nagkanda-traffic-traffic dahil dumayo ang mga tao upang doon sama-samang manood. Ang mga kaibigan kong may Bible Study sa Megamall, nag-meet nang mas maaga upang makauwi at makapanood ng Darna. Ang mga bading sa parlor sa kanto ng village namin, itinigil ang paghe-hair spa at foot spa sa mga customers nila para lang makatutok sa TV. A few days after the pilot episode, nakausap ko ang isang sosyalin kong kaibigan na nag-ji-gym sa Gold’s Gym nang gabing iyon. Kinwento niyang maging ang mga mayayaman at aristrokratang yuppies, itinigil ang pagwo-work out upang umuwi sa nearby condo nila at manood muna ng Darna!

Indeed, ang overnight rating ng pilot episode garnered 47.1%, isa sa mga pinakamataas na rating na naitala sa Philippine TV history! On the fourth day, ito ang episode na lulunukin na ni Narda ang bato at magiging Darna na siya, maging kami ay nagulat sa ratings… 52.1%! Patunay na malakas talaga ang hatak at impluwensya ni Darna sa mga Pinoy!   

Impluwensya sa kulturang Pinoy na maging ang mga ibang tauhan sa TV series ay naging bukambibig na rin--- sina Valentina (Alessandra de Rossi) , Efren (Dennis Trillo), Braguda (Celia Rodriguez), Nosferamus (Tonton Guttierrez), Molecula (Christine Reyes) at Sulfura (Carmina Villaroel). Sa mga kabataan ay tumatak rin ang mga pangalan ng alien race na pinanggalingan ni Darna, ang mga Adranika, at ng kalaban nitong si Valentina, ang Anomalka. Hindi lamang minsan kong narinigan ang mga bata sa kalsada namin na nag-aaway, “Ang bad mo! Siguro may lahi kang Anomalka, noh?!” Pagsakay ko sa FX, narinig ko ang isang nanay reprimanding her son, “Wag mong pukpukin yang bintana! Sige ka, ibebenta kita kay Braguda!”

Hindi lamang panakot ang silbi ng Darna sa mga magkaka-pamilya. Sa isang internet forum on Darna, may mga nagsabing nakaka-relate daw sila kay Darna dahil para rin silang si Narda na kapos sa pera, inaapi-api, may mga pangarap na tila mahirap abutin. Kung pwede nga lang daw na makakuha rin sila ng puting bato nang magka-powers na rin sila at maiahon sa hirap ang mga pamilya nila. Sa mga episode na natatalo ni Darna si Valentina, tumataas lalo ang rating dahil marahil ito ang gusto ng manonood, ang matalo ng mabuti ang masama. Ang makabangon ang mabait at maingudngod sa putik ang nang-aapi. Ang makalaban ang minamaltrato at maihulog sa building ang mayayabang. Ang makakuha ng hustisya ang napagbibintangan at maisubsob sa inidoro ang nagbibintang. Ang maikasal si Narda kay Efren, at maialis sa eksena ang nang-aagaw na si Valentina.

It is a universal longing – ang hindi tratuhing tau-tauhan, ang hindi tratuhing kawawa at walang silbi. Lahat tayo, may pagnanasang magkaroon ng kapangyarihang makatulong, makabangon, makaahon. I guess kaya rin walang pinipiling estado sa buhay, o edad, o kasarian ang mga humahanga at naimpluwensiyahan ni Darna… dahil lahat tayo, gusto nating maging hero.

 

Last Updated ( Oct 05, 2009 at 02:39 AM )
<Previous   Next>