Featured Pinoy: Jason Yogawin
Profile ng isang kababayan nating nagbakasakali sa ibang bansa at nagtagumpay. Sana ma-inspire kayo sa kuwento niya, tulad ko.
Karaniwan nang dahilan ng pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan sa ibang bansa ay ang maiahon ang kanilang mga pamilya mula sa kahirapan. Kasunod na rason na malimit nating naririnig ay upang makabayad sa malalim na pagkakautang. When then 25 year-old Jon Jason Mediran Yogawin decided to take the risk and try working in Indonesia, ang dalawang rason na ito ang tumutulak sa kanya. Sa kabila ng kanyang magandang trabaho sa Lungsod ng Baguio, nagpasya siyang iwan ang pamilya at pagtuturo sa kolehiyo upang malaman kung ano ang naghihintay sa kanya sa Indonesia.
Ano ang trabaho mo bago ka mangibang-bansa? My first job was being a civilian instructor sa Philippine Military Academy. Doon, nagturo ako ng mga kadete ng Philosophy (Logic and Ethics), English Grammar, Literature, and Humanities. I also was part of several committees in organizing events and researches doon. After that, umalis ako at pumasok ng University of the Philippines College Baguio kung saan nagturo ako ng Ancient Greek Philosophy at saka Socio-Political Thought. Pagkatapos nun, eh nagfocus na lang ako sa pag-produce at pag-direct ng mga musikal. Hilig ko kasi yun and at that time, mukhang promising na business o sideline sya.
Ano ang trigger sa pag-apply mo sa INDONESIA? Naghahanap talaga ako ng trabaho nuon at natapos na yung isang project namin for a certain religious group. Pero, hindi natupad yung pinangako and I was left with nothing. So, narinig namin na one of our close family friends, whom I fondly call ‘my aunt’ was working there (Indonesia) and was willing to help out and send our resumes to some schools. So, I sent my resume to my current school now which was luckily, opening up a new campus in North Jakarta. Talagang kailangan ko maghanap ng income. May mga outstanding na kailangang bayaran at kung ano ano pa. So, nung nag-reply yung tita ko dun, sige lang ako.
Nahirapan ka ba sa application? Gaano katagal at paano ang proseso? Pumunta sa Pilipinas ang isang may ari ng eskwelahan at nagset-up ng interview. After 2 days, nag-decide na siya na kukunin niya ako. Nag-coordinate na lang kami through e-mail sa pagpunta ko doon. Nagtanong-tanong ako sa mga teacher kong kaibigan kung pano ang pagturo ng mga high school since puro college level ang tinuruan ko. I also tried to meet up with whoever I could meet up. Then, kailangan din na magpaalam sa gf ko nuon. Hirap nuon kasi I didn’t know what to expect and parang ang feeling mo eh, hindi ka na makakabalik nang buhay. Wala ka kasing marinig o mabasa sa media na maganda tungkol sa Indonesia. Parang bahala na talaga, kailangan pumunta.
Kamusta ang unang pagtapak mo sa Indonesia? Ano ang first impression mo? Gabi na nuon, magkakasama kaming mga teacher na kinuha. Nung pagkalabas ng eroplano eh, amoy iba na. Amoy “clove cigarettes.” Hindi naman masama yung amoy pero kakaiba lang. But, mainit din parang Manila, yun nga lang hindi humid ang dating. Parang Mindanao ang dating. Yung artwork kasi sa airport and yung overall feeling eh Muslim and Hindu influenced.
Sino ang sumundo sa inyo? Ano ang mga nangyari nuon? Naligaw ka ba? Natakot? Na-intimidate? Sinundo kami ng may-ari ng school atsaka isang katiwala niya. Nakaabang na sila sa labasan. Patingin-tingin lang ako sa mga tao sa paligid ko. Parang nasa Pilipinas pa rin ako, yun nga lang mas matangos ang ilong nila at mas defined ang mga mata. Pinilit naming kausapin si Pak Budi (Pak is pronounced as pa’). Hindi siya masyadong makasalita ng English kaya medyo nakakatakot din at paano na kung ganito lahat ng tao dito. Gusto namin sana na makabili ng SIM para makatawag o text sa Pilipinas, pero wala daw. Sa mall pa daw eh 11:00 PM na nun. Sarado na. Dumating na rin yung van namin, and we were on our way to our housing. After 45 minutes, nakarating na kami sa “apartment.” Before that, nakakakaba kasi at hindi ko alam kung anong itsura ng tutuluyan namin. Pero nung pagdating namin, eh mala-condo na half hotel ang dating. May pool, services, at gym. Diretso kami sa elevator o lift sa 23rd floor. Dun kami pinatuloy kasama ng isa ding Pinoy na hanggang ngayon eh flatmate ko pa rin. Sinabi namin kay Pak Budi kung meron makakakainan at nagugutom na kami. Eh, wala daw bukas kundi isang traditional restaurant sa may harap ng apartment. Bumili sya at iniwan sa amin sa lamesa. Pagbuklat namin, amoy maanghang na! Kanin, gulay na tuyo, at maliit na drumstick. Wow talaga sa anghang! Halos hindi namin makain. Pinagtiyagaan nalang namin yun at sabi namin ng kasama ko na maghahanap nalang kami sa labas bukas ng umaga.
Kuwentuhan mo kami tungkol sa living situation mo doon. Provided by employer ba iyon? Sino ang mga kasama mo? Nahirapan ka bang mag-adjust? Sa 23rd floor ako ng Apartemen Mitra Bahari. Maayos naman na unit na may 4 bedrooms, malaking living room, dining area, and kitchen. May maid’s quarters pa at labahan. Nung una, kami lang ng isang Pinoy, at isang Indonesian – Singaporean, sumunod din ang isang Indian – Singaporean na naging vice-principal namin. Ang pinakamahirap duon eh wala masyadong makasalita ng English. Lalo na sa area namin sa North Jakarta. Puro Mandarin, Hokkien, or Bahasa Indonesia. Mga edukado lang talaga ang mga nakaka-English. So, prone kami sa mga manloloko, pero hindi naman ganun karami. May mall na malapit sa amin, “Megamal.” Dun kami nag-gro-grocery. Iba-ibang mga pangalan ng items, hindi mo rin ma-explain kung ano yung gusto mo so puro kayo sign language. Paminsan nakakatawa na. Ang pinakamalapit na English speaking church dun eh mga 40 minutes away through freeway and no traffic. Buti nalang, mga Pinoy ang mga nag-establish nun. Mga Salesian, or Don Bosco Fathers. Pati pera nila eh nasa millions. Ang 6 pesos ay humigit kumulang na 1,000 Rupiah. So, mga millions in rupiah pag nagpalit ka ng US$100.00. Nakakalito sa una at nakakasindak. Bumili ako ng isda kanina. Magkano? … 20,000!....rupiah…!
Ano ang trabaho mo sa Indonesia? Kuwentuhan mo kami tungkol dito. Ang unang assignment ko eh maging Form Teacher or Class Adviser ng Section 3 o 3rd Year. Kaunti lang sila dahil kakasimula lang ng school. Sumunod na dun yung pag-aral ko sa pag-handle ng mga examinations at Cambridge Center. Ibang iba ang sistema kumpara sa Pilipinas. Very specialized and focused ang learning. Though napaka holistic ng learning natin, hindi ganun ang emphasis sa mastery ng subject. Pagkatapos nun eh, dahil sa hilig ko talaga gumawa ng mga musikal, nag-propose ako na magset-up kami ng production. Ang una naming production ay ang West Side Story. Every year nagkaroon na ng production mula nuon. Pero ang pinakatrabaho ko duon ay ang pagturo ng English. Sa paghawak ko ng Cambridge Examinations, naging administrative hand ako sa pag-deliver ng syllabi, registration, news, control, and examinations, kasama na duon ang pag-manage ng internal examinations na talagang dumadaan sa quality control and standardization. Mabait ang mga bata in general. Walang sinabi ang kalokohan nila sa may atin. Medyo pampered lang sila at mga anak ng mga negosyante’t mayayaman sa Jakarta. May mga magagaling din, nahihirapan lang sa English. Mostly Indo- Chinese ang mga students. Marami silang holidays. Lahat kasi ng religion, honored. Kaya kahit birthday ni Siddharta, Mohamad, o Hesus eh holiday. Any embarrassing moments, memorable events? Naku marami, lalo na sa una at hindi pa ako maka-Bahasa Indonesia. Pag nag-English ka na sa isang shop parang ikaw pa yung hindi maka-adjust. Nung minsan, nagtanong lang ako sa isang salon, “Could I have a haircut please?” Namutla yung receptionist tapos lingon sa mga tao sa likod sabay sigaw ng “Eeeeenglissssssshhhh!” Gusto kong matunaw nung point na yun! Ang pinakamemorable eh ang interaction sa mga bata at ang mga musikal productions namin. Duon mo talaga makikita ang value at ganda ng education. Lalo na kapag grateful ang mga tinuturuan mo sa yo. Tell us about your theater group. The theater group is basically a club in the school. Pero nung na-recognize nila yung potential ng drama sa pag-improve ng confidence, interaction, and teamwork sa mga bata, naging major project na siya ng school. On our second year, we did Once on this Island Jr. na fully licensed ng Music Theater International sa New York. Dahil sa galing ng mga bata, sinabi na sa akin na dalawang campuses na ang magsasama sa pagproduce ng play. Yung campus namin sa North Jakarta at sa West. Sometimes, ang practice sa kabilang campus, paminsan sa amin. Nakuha namin ang license ng High School Musical – One Act Version galing sa New York. Kung hindi ako nagkakamali, kami ang pinakaunang nagpresenta ng one act version sa labas ng Estados Unidos at isa sa mga pinakaunang nagpalabas nito. Nagsimula na rin na nafi-feature kami sa mga magazines at media dito pagkatapos nun. Minsan nga na nag-promotions kami sa isang University of Cambridge Brilliance Awards sa Indonesia eh akala ng mga taga UK na nag-hire kami ng mga tunay na actors. Ang pinakanakakatuwa dito eh, nakikita mo ang improvement sa mga estudyante. Ang mga dating mahiyain at hindi makasalita ng English eh nakakasalita na at nagpa-participate na rin. Sumunod dun last year ang aming Mulan Jr. na dinalo at pinag-uusapan pati sa mga ibang eskwelahan. Pinanuod pa ito ng Head ng Cambridge Examinations ng Indonesia. Ngayong taon na ito, Seussical Jr. (Cat in the Hat) na ang aming gagawin. Isa ito sa pinakamahirap ng production na aking dinerect. Diretso ang kanta at sayaw. Sana maayos ang kalalabasan nito.
Kung may choice ka, nag-OFW ka pa rin ba? Yup. Financially speaking, mas malaki talaga ang opportunity sa labas ng bansa. Maganda rin na iba-ibang kultura ang kaharap mo.
Ano na ang mga fruit ng iyong labor? Investments, dreams fulfilled na hindi mo siguro na-attain kung hindi ka umalis. Well, nabayaran ko lahat ng mga outstanding loans ko. Malaking bagay yun na kung sa Pilipinas lang ako eh nabaon na ako sa interest. Nakakatulong din ako sa magulang ko at nakakapaglagay na ako ng savings and investments sa business at sa bangko. Sariling sasakyan din ang isang nakuha ko na ngayon eh ginagamit ng parents ko. In the future, bahay at lupa naman na pwedeng maging negosyo ang gusto kong ma-attain.
From the time na bago ka diyan at ngayon, ano na ang mga nabago? Naka-adjust na ba? Tell us about your promotion. Ngayon, they have assigned me as the new principal of a new campus in a major city in Indonesia. I handled several key roles sa school from class adviser to exam committee coordinator, to English coordinator, to Lower English Coordinator, to Newsletter advisor, to video editor, to Artistic Director of 2 campuses. Mga 1 year bago talagang naka-adjust sa work pero still everything’s new every time. Nung una akala ko eh, aakyat na yung VP namin to Principal at gagawin akong VP nya para sa academics. Laking gulat ko nung sinabi sa akin na transfer sa ibang campus yung alok sa akin at ang offer na posisyon ay bilang Principal ng Primary and Secondary School. Sa loob loob ko eh, 30 years old lang ako, kaya ko kaya ‘to? Malaking bagay ang pag-uwi ko ng Disyembre at nakapag-isip ako ng mabuti. Hindi naman ibibigay ng Dyos ang hindi ko kaya, kaya “bahala na.” Bahala na Siyang mag-ayos kung ano ang dapat ayusin. Sabi ko nga sa boss ko eh, “I have to do a good job.” Ang sabi nya eh, “As long as you really try, that is a good job.” I think out of all these that have happened to me, I came from a very difficult situation, a rut. I couldn’t find any way out and all I had was hope and faith. Nagdasal lang talaga ako at pinaubaya sa Diyos ang mga problema ko. Right now, after 5 years of more successes than failures, wonderful memories with the students I teach, and the teachers I teach with and train, and with the friends I make, I can say talaga na God really saved me from myself. Kung meron talaga Siyang gustong ipagawa sa ‘yo, gagawan Niya ng paraan para magawa mo. Kailangan mo lang sumunod, magtrabaho ng tapat at maayos, at manalangin. So far from a small school campus 5 years ago, nag-grow yung campus namin 400% more or less. Nakaka-receive na kami ng awards internationally at locally. Marami sa mga estudyante namin ang nananalo sa sports lalo na sa badminton. Awarded kami academically and extra curricularly. Masasabi namin na one of the top schools ang Bina Bangsa School. Ngayon, 5 na ang campus namin. 2 sa Jakarta, isa sa Bandung City, isa sa Semarang City, at isa sa Malang City sa East Java. Masaya ako na naging parte ako ng growth na yun.
jon jason mediran yogawin,director,playwright,composer,heir himmler,english teacher,Bina Bangsa School 'How to Overcome Failure' If you’ve ever had a dream or set a goal for yourself, you probably have experienced failure at one point or another. For many, going through failure is enough for them to give up and settle right where they are. What they don’t understand is failure isn’t necessarily a dead end. It can actually be the start of something even greater than they expected, if they are persistent enough to take the following steps.
1. Don’t regret investing time and effort to your failed venture. Remember that this is an experience which you can learn from.
2. Instead of berating yourself for the mistakes you possibly made, resolve to learn what you can from what happened. Was it a character trait or a negative habit that did you in (i.e. unteachable attitude, procrastination)? Was it caused by factors beyond your control (i.e. wrong timing, other people failed to pull their weight on the project)?
3. Determine what you can do to work on the problem which was the root of your failure. Be willing to work on yourself or change how you deal with other people to increase the odds of a more favorable result when you try again.
4. Reevalute your goal. Do you have the right skills and the right motives to pursue that goal? Are you using the right “measuring stick” to determine the goal you want to work towards? i.e. If your goal is to earn more, what income level would make you say that you are already a success? What do you have to sacrifice to run after that goal? How is it going to affect the people closest to you? Adjust your goal as you see fit.
5. Do not allow self-defeating mindsets hinder the pursuit of your goal. Surround yourself with positive people who would support and encourage you as you work towards your goal.
6. Be confident that you have what it takes to fight for that dream.
I can do everything through him who gives me strength.
Philippians 4:13
7. Do not let small setbacks or another failure derail you.
Be strong and courageous. Do not be terrified; do not be discouraged, for the LORD
your God will be with you wherever you go.
Joshua 1:9
No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us.
Romans 8:37
In the course of working towards a certain goal, pray continuously. At one point, you may find yourself being led by the Lord to another course of action, or a new goal altogether. Be sure to keep a good attitude so that you can make adjustments that might take you somewhere you least expect. As the Bible says:
“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper
you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
Jeremiah 29:11
The journey towards your goal might be a long one, but as Robert H. Schuller said, “I’d rather attempt to do something great and fail, than attempt to do nothing and succeed.”
