My Ondoy Experience

0
Your rating: None

Siguro nga malaking parte ng personality ko ang pagiging geek. Nuong nasa elementary pa ako, kahit bumabagyo na, gusto ko pa ring pumasok dahil natatakot akong may ma-miss out akong lessons. O kaya baka ako lang ang absent at lahat ng classmates ko ay pumasok. Kapag exam day, mas malaki ang problema ko. Kako, baka hindi na ako bigyan ng make-up test ng teacher. Kaya hate na hate ko ang bagyo, kasi nate-test ang decision making process ko.

 

Dagdag pa riyan ay nang bumagyo nang malakas sa bahay namin sa Cavite, nagkaroon ng mahigit-kumulang na sampung mini fountains sa salas namin. Hindi pala kasi masinsin ang pagkakalagay ng tiles sa sahig kaya nang bumaha sa labas ng bahay, nagsulputan ang mga fountain sa loob ng bahay. I think it was this particular experience kaya nagkaroon ng trauma ang mama ko sa malakas na ulan at baha.

 

Pagtungtong ko ng highschool at lumipat kami ng Cainta, binaha nang mataas ang subdivision at lahat ng gamit namin, basang-basa. Very vivid pa sa memory ko ang mga diaries, letters, pictures at notebooks na naglalaman ng aking early attempts at fiction- writing na inaanod ng baha.

 

Pagdating ng college, at one point nahilig akong mangolekta ng mga CD ng soundtrack ng mga pelikula, at mga nature CDs. Yun bang atmospheric ang dating, tipong jungle sounds, cricket sounds, sounds of the ocean, pati wind sounds. The last two my mother hates the most. Those sounds remind her daw of typhoon. Parang feeling niya, malakas ang ulan at hangin sa labas.

 

Fast forward to September 26, 2009. We woke up a bit late dahil Saturday naman. Nagyaya pa ang asawa kong si Romy na manood ng Kimmy Dora. Oo nga’t umuulan pero signal number one lang naman daw sabi ni Kuya Kim (Atienza). But my parents, who live next door, medyo nasa level one na ng panic mode. They even asked Romy to buy 10 sandbags para daw hindi kami pasukin ng baha. I even thought they were overreacting. My 2 year-old daughter was having fun watching the rain outside. Nang nag-ankle-deep ang baha sa kalsada ng village, I was far from being alarmed. Though I know it won’t be wise to go watch a movie anymore. Lumalakas ang ulan. My husband decided to go and buy the sandbags. He left at 9:30AM, hindi na daw siya magdadala ng cellphone. Tinamad ding mag-jacket. Magta-tricycle na lang daw siya. 11:00AM, wala pa rin. I instructed our trusty yaya Ruby to play with my daughter while I prepare lunch. Kinamatisang manok at baboy. 11:30AM, tapos na akong magluto, wala pa rin si husband. My mom contacted the hardware and they said my husband left more than an hour ago, with 10 sandbags. The hardware was less than 10 minutes way from our place. Hmmm, magsisimula na ba akong mag-worry? Tumataas na rin ang baha sa labas ng bahay. I asked Ruby na tiklopin na ang sofa bed. Maya-maya, dumating na ang asawa ko. Basang-basa. Wala ang tricycle, walang sandbags. What happened was, thigh-deep na ang baha sa Junction Cainta at hindi na makaandar ang tricycle. He decided to leave the sandbags (worth P300.00) and our address to the driver with the instruction to bring them to our house once the engine decides to cooperate. In my mind, goodbye sandbags, goodbye P300.00.

 

Wala pang 10 minutes ang asawa ko sa bahay nang umakyat na ang baha sa loob ng gate namin. Me and my baby went up the second floor and I was surprised to see families, most of them we know, na may bitbit na mga bags and pets at lumulusong sa ngayon ay waist-deep na baha! It was only then that I realized, they were evacuating! I heard some commotion downstairs and found out that my husband and our yaya were already trying to save our furnitures! Kinarga ang ref paakyat sa dining table. Inakyat ang mga kaldero, mga shoeboxes, ang mga dining chairs pinatong sa sofa, ang sofa bed at mga toys ng anak kong si Aliya, tinaas sa playroom. Tambak dito, tambak doon. Akyat dito, akyat doon. Hindi ako makatulong dahil walang magbabantay sa baby ko. Outside the house, more families were leaving. I was thinking of my parents whose house has only one floor. Kung kami, pinasok na ang 1st floor, all the more sa kanila. I texted them and tried calling them up to tell them na lumipat na sa amin pero walang replies. I asked Ruby where Romy was and she said tumutulong daw magsalba ng gamit sa bahay ng mga magulang ko. At 1:30PM, habang nakaupo kami ni Aliya sa steps ng hagdan namin, we heard someone crying. It was our neighbors, both senior citizens, asking if they can stay with us for a while. Lubog na halos ang bahay nila at ni isang damit ay wala silang naisalba. We lend them a change of clothes and they looked like they were handed a pot of gold. I apologized for the messy playroom dahil sa dami ng biglaang tinambak, and one of them said, “Malaking bagay na ang nandito kami sa tuyong lugar, Abi.” Barely 5 minutes after, I heard my parents and my sister. They gave up trying to save their furnitures and appliances and decided to move in with us. Almost waist-deep na ang tubig sa loob ng bahay nila. According to my sister, lumalangoy na daw ang pagkabigat-bigat nilang sala set at nagba-backstroke na daw ang ref. Pinagtulungan ni Romy at ng papa ko na ipatong ang TV sa ibabaw ng kama sa master’s bedroom but by the time they left their house, umabot na ang baha sa mismong kama.

 

Since there was power interruption, we had no idea how it was in other areas. We were clueless as to how bad it was in our friends and relatives’ places. My daughter, who of course still do not understand what was happening provided the cheerful atmosphere and kept entertaining the visitors. She even forgot to take a nap, thinking it was party time what with all the people and activities in our house. I asked my mom and sister to attend to Aliya habang lumusong uli kami ni Ruby upang i-gather ang mga teacups, coffeesets and expensive silverware na nagbagsakan sa tubig- mga regalong natanggap sa kasal na never pang nagamit pero nalublob na sa baha. Tsktsk.

 

It was one long day of waiting, hoping, praying, standing by, wondering what will happen next and when this will end. Isang araw ng pagtitipid sa baterya ng cellphone, pagpigil ng “call of nature” dahil mismong ang CR namin ay lubog sa baha, at pag-akyat-panaog from the 1st floor to the second floor dahil sa tuwing umaangat ang level ng tubig, may bumabagsak na mga pinatong na gamit.

 

Alas-singco pa lamang ng hapon ay napakadilim na. Ang tanong, what’s for dinner? Buti na lang ay nakapag-grocery si Romy the day before. We had enough for everyone in the house. With only the candles to light the surroundings, Romy and I went down the kitchen and cooked dinner of chicken, eggs and hotdogs while almost half our bodies were submerged in water. Dapat dahan-dahan at baka gumulong ang hotdogs sa baha! And did I mention we were out of mineral water that day? Thank God we still had two 6liter-containers of my daughter’s Nestle Pure Life that night. Napakinabangan din ang mga arinola, makes me think, magkano kaya aabutin kung magpadagdag ng CR sa second floor? Another thing we were thankful for was the extra cushions. There was enough for everyone. And the many windows in our room. Malamig ang hangin, wala nang ulan at feeling naka-aircon. It was a challenge, though to explain to Aliya why we were using candles, why we cannot watch her Elmo DVD and why we cannot turn on the airconditioner.

 

We were fortunate dahil the next day, unti-unting bumaba na ang baha. Wala pang tanghalian ng September 27 ay na-hose na namin ang 1st floor. Pero kung titingnan, parang walang katapusang linis, laba, hugas ang mangyayari in the next few days. Hindi ako nagkamali. Lalo na sa bahay ng mga magulang ko, 3 weeks after, hindi pa sila tapos sa mga liligpitin. When I went to their house the next day, I found out that my videocam, DSLR camera and college diploma, among envelopes of files and story concepts have been left behind in the flood.

 

Nagsimula kaming mahimasmasan nuong Linggo ng hapon. Nang may makausap na kaming mga kapitbahay na lumikas at nakabalik na, nang makabili na ako ng diyaryo, nang makapunta na ang mother at sister ko sa grocery at palengke at makita ang kalagayan ng lugar at mga tao doon. Pami-pamilyang halos walang naisalba kundi ang mga sarili nila’t mga suot na damit ang lumusong sa baha at nagpalipas ng gabi sa gilid ng Robinsons Mall sa likod ng village namin, isang kakilala ang na-stranded sa may LTO sa Ortigas Avenue Extension at tinali ang sinturon paikot sa isang puno upang huwag siyang madala ang agos at duon nagpalipas ng gabi, ang mga tindahan ng bigas na malaki ang lugi dahil binaha ang mga paninda nila, ang mga asong nalunod dahil hindi na nailigtas ng mga amo, ang mga asong nag-survive dahil tumuntong sa mga inaagos na kutson at na-reunite sa kanilang mga amo matapos humupa ang baha, ang officemate ng asawa kong nagpumilit umuwi sa kasagsagan ng bagyo subalit sa kasawiang-palad ay nalunod sa lakas at taas ng tubig, ang mga pami-pamilyang nagbutas ng mga kisame upang makaakyat sa second floor.

 

At this point, dumami ang realizations. Oo at marami ang nasalanta. Marami ang nawala. Pero malamang, mas marami at mas masakit kung sumalanta ang bagyo on a weekday, habang nasa trabaho ang karamihan. Mas marami siguro ang nawalan ng buhay kung karamihan sa mga magulang ay hiwalay sa mga anak nila. Mas marami siguro ang hindi nakalikas at mga gamit na hindi nailigtas kung tumaas ang baha during the night, sa kasarapan ng tulog ng mga tao. Isa pa sa mga na-realize ko ay ang dami ng mga gustong tumulong – we were fortunate to belong to a church, the Victory Christian Fellowship, na passionate sa pagtulong. They went out of their way to bring relief goods to us, some of them we didn’t even expect will make an effort. Even acquaintances of mine who I didn’t expect will call and offer help did try to do something. A few days after, the church returned with more sacks of relief goods, bottles and bottles of water, bags of old clothes para ipamudmod namin sa mga kapitbahay namin. There was more than enough na yung iba nga ay dalawang beses pa naming naabutan.

 

At tulad nga ng napapanood ko sa TV nang bumalik na ang kuryente, nakakalugod isipin na sa gitna ng trahedya, umusbong ang pagkakawang-gawa ng Pinoy. Nanatili ang pagiging positibo at nabuhay ang  pagiging mapaglingkod. Marami ang dumukot sa bulsa, nagbigay, nagbukas ng mga cabinet at namudmod ng mga damit upang i-donate. Marami ang hindi natulog, hindi umuwi, hindi ininda ang sakit ng katawan, hindi nanghingi ng sweldo para lamang makatulong. At higit sa lahat, dumami ang nanalangin,  nagpakumbaba at naniwalang ang buhay natin ay wala sa ating mga kamay, kundi sa Diyos lamang.