Me? A Morning Person? Are You Kidding?

0
Your rating: None

Yan ang isasagot ko sa iyo kung 3 yrs ago mo pa yan tinanong. Nuong panahon na nagsusulat pa ako ng Mulawin, maaga na yung gumising ako ng 10am. Tanda ko pa nga, hanggat wala pang SIS, hindi pa ako babangon. Feeling ko madaling araw pa lang.

Noon yon. Pero ngayong mommy na ako, kahit pala ang napaka-imposibleng gawin tulad ng pagbangon ng maaga, pwede kong gawin. At kapag sinabi kong maaga, as in 5:30 am. Napaisip ako tungkol dito kaninang pinapasyal ko sa stroller si Aliya, 5:45am pa lang nun, nasa kalsada na kami at namamasyal sa village namin. Paano ba naman, gumising na siya ng 5:15 am at tinuturo na ang pinto. Nung kinarga ko, tinuturo ang bintana. Ibig sabihin, gusto niya nang lumabas. Haaay, kung pwede nga lang siyang ipasyal nang nakapikit ang mata ko, noh? Shift ko kasi kaninang magpasyal kay Aliya. Ilang araw na kasing si Romy ang bumabangon sa umaga. Kagabi, sabi ko sa kanya ako naman.

Kaya naman habang umaangat pa lang ang araw at pinipilit ko pang idilat ang mata ko habang tinutulak ang stroller niya around the village, ito ang mga pinagmumuni-munihan ko. Grabe, ang aga ko nang gumising! Ang aga pa lang andami ko nang na-accomplish. Pataas pa lang ang araw nakapasyal na kami sa parents ko a few streets away, (naki-breakfast na rin ako dun). So kung itatanong mo kung morning person ba ako, mabilis kong isasagot, oo naman!