Hugis at Damit
Naalala ninyo pa ba yung mga TV talk shows na mahilig mang-okray ng mga artistang uma-attend ng mga awards night? O yung mga pahina sa mga fashion magazines na may mga litrato ng mga artista at ordinary folks in the street na mali-mali ang manner of dressing up?
Personally, I find those TV segments and fashion magazine pages interesting. Una, nakakatawa ang delivery ng lines ng mga nang-ookray. Pangalawa, kahit paano ay may mga natututunan ako. Marami sa atin ang clueless sa mga do’s and don’t’s ng basic na pananamit.
To think na ang pagbibihis ay isang bagay na regular nating ginagawa--- at least once a day, depende sa daily activities at lifestyle natin. Lahat din tayo, kahit paminsan-minsan ay naiimbitahan sa mga pagtitipon – pormal man o hindi. Sa totoo lang, kahit magpunta man lang sa palengke o magpa-dentista, mas maiging alam natin kung paano nga ba mag-put together ng outfit.
Nuong bata pa ako, isa sa mga palagi kong naririnig sa mga nakatatanda kong pinsang babae ay “huwag magsuot ng two pieces of clothing na magkaiba ang prints.” Ano daw? Elementary pa lang ako noon, at wala akong pakialam sa mga pinag-uusapan nila. Halos araw-araw naman akong naka-school uniform, kebs ko ba sa mga fashion rules nila. Pero dahil ang mga pinsan kong ito ay exposed sa fashion industry dahil na rin sa pagsa-sideline nila as print ad models, laging ganitong linya ng usapan ang naririnig ko sa kanila.
Lumipas ang taon saka ko naintindihan ang sinasabi nila… kung ang blouse mo ay printed na, ang palda ay dapat plain lamang. Kung ang bestida ay floral, ang shoulder bag, dapat plain.
Simula lang pala ito ng mga dapat kong malaman tungkol sa basics in fashion. Sumunod na nalaman ko, this time sa isang fan magazine ay ito: Kung ikaw ay maliit, huwag na huwag magsusuot ng damit na may horizontal stripes (pahalang) dahil mas nakakaliit ito. Kung gusto mo talagang mag-striped shirt, may advantage kung vertical (pataas) na stripes ang piliin mo. At kung ikaw ay mataba, iwasan din ang horizontal stripes, lalo daw kasing nagiging mukhang malapad.
Isa rin sa mga nauna kong natutunan, kung malaki ang puson ay huwag mag-tuck ng kamiseta. Para mo na ring sinasabing proud ka sa laki ng puson mo kung mag-tuck ka pa. Kung ikaw ay hindi katangkaran, huwag magsuot ng malalaking prints. Huwag ding magsuot ng oversized jacket. Tandang-tanda ko pa nuong nasa college ako, sinuot ko ang jacket ng isang kaibigang medyo may katabaan --- ang sabi niya, “Mukha kang naglalakad na jacket.” Ganon?!
So ano ba kasi ang mga basic na dapat nating malaman tungkol sa pananamit? Mahalaga kasing malaman natin ito dahil hindi como kumakayod tayo’t nagsasakripisyo para sa ating mga mahal sa buhay ay hindi na natin bibigyang-halaga ang ating sarili. Let’s face it, people partly judge us with how we look, kasama na diyan ang ating manner of dressing up.
Crucial na una nating tingnan, ang ating body size and shape. Matangkad ka ba o maliit? Mataba o payat? Malapad ang balikat? Malaki ang hinaharap? Malaki ang puson? Humarap sa salamin at maging honest. Ano ang gusto mong i-emphasize, ano ang gustong ikubli?
Now that you’ve taken a look at yourself, let’s see kung paano nga ba ang tamang pananamit:
Small Breasts/ Frail-Looking Upper Body
Iwasan ang maluluwag na blouses, shirt, all kinds of tops dahil baka ikaw ang masabihang kamisetang naglalakad o blouse na tinubuan ng tao. Go for lighter colors to draw the attention to your upper body. Pandaya rin ang mga ruffles and chunky necklaces. Maging mapili nga lamang sa pattern ng ruffled blouses dahil too much of these can make you look older.
Broad Shoulders
Iwasan ang V-neck tops at halter knits. Wala na ring gumagamit ng shoulder pads ngayon kaya ipagtatapon na ang mga shoulder pads from the 80’s. Baka magmukhang softball player ka. Kung mas malapad ang balikat sa lower body, go for draped tops and pencil-cut skirts para magkaroon ng balance sa appearance mo. Round necks and tops with too much frills should be avoided, too dahil nakakataba ang mga ito.
Rectangular Shape
Kung diretso ang katawan mo at kulang sa curves, sa iyo bagay ang mga empire dress na may V-shaped neckline. Makakaigi ring gumamit ng wide belts para magkaroon ng illusion of curves. Flowing dresses and skirts add volume and shape, too.
Pear-Shaped
Pear shaped ang tawag sa may mas malapad na balakang ngunit payat na upper body. Under this category ding maituturing ang mga may big thighs. In this case, makabubuting magsuot ng fitted top at body-hugging skirt/pants/jeans. Iwasan ang mga baggy pants dahil mas magmumukhang malaki ang lower body part mo.
Hourglass Shape
Ito ang mga pinagpala ng well-proportioned upper and lower body, plus may tamang mga curves sa tamang mga parte ng katawan. Walang gaanong problema kung ikaw ay isang hourglass-shaped woman dahil halos kahit anong isuot ay babagay sa iyo. Magandang tingnan ang kahit anong uri ng palda o bestida sa iyo, even jeans and slacks look flattering on you, too. Iwasan lamang ang mga too much ruffles sa blouses dahil maitatago lamang nito ang iyong assets. Invest in skirts and dresses na ang hemline ay just above or just below the knee. Ito ang classic length at hindi masyadong namimili ng okasyon.
So there... whatever you body type is, ang pinakamahalaga ay komportable ka, confident ka, you feel good about yourself. Kahit anong mahal pa ng outfit mo kung susumahin, pero kung hindi mo naman madala nang maayos o di kaya’y hindi ka na halos makahinga sa sobrang fitting ng tank top mo, hindi bale na lang. Nakamamahaling outfit ka nga pero nangangati ka naman sa dami ng burloloy sa bestida mo, hindi bale na lang. Sosyalin mang tingnan ang suot mo pero hindi ka naman makalakad sa sikip at taas ng sapatos mo, hindi ka rin mag-eenjoy. Kaya naman ang additional na advice ko ay pagsamahin ang comfort and style. Hindi puro style lamang. Hindi rin naman puro comfort lamang. There has to be a sense of balance.
Just like almost everything in our lives, balance is important.
