Bagong Gamit Para sa Luma Part 3

0
Your rating: None

Hello mga kabayan! Heto na naman ako at excited uling mag-share ng mga tips para sa wa-is at tipid na pagdidiskarte. Alam naman nating sa panahon ngayon, in na in ang mga tipid tips at ang pagiging resourceful. Hindi lang tayo feeling smart, ganda points pa para sa atin sa paningin ng ating mga kasama sa bahay, asawa, pamilya, amo at mga kaibigan na makaka-witness ng ating pagka-madiskarte.

Ok, so eto ang mga bagay na siguradong naka-tambay lang sa mga bahay ninyo na maari ninyong gamitin.

COTTON BALLS

Yes, bulak! Isawsaw ang isang medium-sized cotton ball sa inyong paboritong scent o pabango at ipasok ang saturated bulak sa vacuum cleaner bag. Gamitin ang vacuum cleaner sa buong bahay… at siguradong mangangamoy cologne na ang paligid ninyo! Maari ring isawsaw sa inyong laundry powder o detergent kung nais ninyo na mag-amoy bagong laba o fresh ang inyong bahay.

 

PETROLEUM JELLY

Naranasan ninyo na bang magtina ng inyong sariling buhok sa bahay? At dahil do-it-yourself ang drama ninyo eh pati ang inyong noo at tenga ay nagkulay-tina na rin pagkatapos ninyong magbanlaw? Ang solusyon: pahiran ng kaunting petroleum jelly ang noo, tenga, gilid ng pisngi, gilid ng panga upang kahit na may tumulong tina sa mga bahaging ito ay hindi maninikit ang kulay. Presto! Mukhang sa salon at sa isang professional beautician kayo nagpunta!

VEGETABLE OIL

Nagkaroon ng party sa bahay ninyo. Isa sa mga bisita mo ang nagmagandang-loob at nag-offer na iligpit ang mga pinagkainan. Pinagpatong-patong niya ang mga babasaging baso, kopita at tasa upang magkasya sa inyong lababo. Pero nang huhugasan mo na ang mga ito, nagkadikit-dikit ang mga pinagpatong-patong at hindi mo mahiwalay. Kung pipilitin mong tanggalin ay may posibilidad na mabasag. Naisip mo, mas nakasama pa ata ang pagtulong ng bisita mo. Bago mo siya tawagan at awayin, buhusan o punasan ng kaunting vegetable oil ang rim ng mga baso/kopita/tasa. Voila, ang akala mo’y imposible ay maghihiwa-hiwalay nang walang kahirap-hirap!

SHAMPOO

Anong bahay ang walang shampoo? Siguradong sa isang household, there is at least one bottle or sachet of shampoo. Kaya naman kung naipit o na-stuck ang zipper ng anumang damit o bag mo, patakan lamang ito ng shampoo, ipunas sa buong zipper. Tapos ang problema mo!

Ganun din kung makita mong nagkadikit-dikit ang balahibo ni Bantay o ni Muning dahil may hinigaan itong chewing gum. Pahiran ng kaunting shampoo ang nagkadikit-dikit na buhok upang mas madali mong matanggal ang gum.

Plus, maari ring gamitin ang shampoo na hinalo sa tubig at ipunas sa mga dahon ng inyong favorite but dusty potted plant. Tanggal ang alikabok, mas “makakahinga” pa ang mga halaman mo!

TAKIP NG GARAPON

Aaminin ko, may bahagi ng personality ko na ayaw magtatapon ng mga bagay na feeling ko ay may gamit pa. Grocery bags, old magazines, even jar lids. Kapag binebenta sa magbobote ang mga garapon, parang ayaw kong ibenta ang mga takip nito... because yes, may gamit pa sila... tulad ng cookie cutters! Sa halip na bumili ng expensive cookie cutters sa baking department ng malls, maaring gamitin ang mga lids sa pag-shape ng dough.

Makakatulong din kung gamiting salaan ng tumutulong honey ang jar lids by placing one under a bottle of honey, sa mesa man o sa loob ng ref.

Ang plastic cover ng mga lata ng infant milk/formula can also be used as playthings. Sa dami ng ganito namin sa bahay, naisipan kong ipunin at ginagawang pamaypay, plato-platuhan o writing tablet ng baby ko. Pwede ring butasan ang mga ito sa edges, ipagkabit-kabit using a string, dikitan ng cute designs o photos, isabit sa playroom upang gawing divider o dekorasyon.

Okidok! Sana ay may natutunan uli kayo sa isyung ito ng Diskartehan Mo! Hanggang sa muli mga kabayan! ?