d2 nko sa hrap mo
Printer-friendly version
Send to friend
PDF version
yun ang text mo sa akin nung unang gabi mo kong dinaanan sa opisina ko. kung saan-saan pa kasi ako nakatingin, pero andun ka na pala sa harap ko. but then, pasensya, first time kong nakita ang kotse mo nun. ang dilim pa ng tint ng mga bintana, kaya malay ko ba namang ikaw yun?
di nagtagal, naging habit na nating magdinner pagtapos ng trabaho, mga two or three times a week. pareho nating favorite ang chicken, kaya lahat yata ng luto, nakain nating magkasama: tandoori, cordon bleu, inasal, chickenjoy, isaw. of all places ba naman kasi, sa ortigas ka pa lumipat ng trabaho, wala pang 15 minutes away sa opis ko. e di ayan, naging parttime-service ko na pauwi ang kotse mo...
ako ang nagbigay ng nickname sa kanya: Hilton, dahil sabi mo nga, napaka-high maintenance niya, parang yung celebutante that everybody loves to hate. halos 10 years old na rin kasi siya nung nabili mo, kaya marami nang quirks and ticks. nadagdagan pa siya ng konting “character” sa punit dun sa gitna ng upuan ng passenger’s seat. oo, ako ang salarin. sa dalas ko ba namang maki-hitch sa ''yo noon. pero ngayon, hindi na ako ang madalas nauupo do’n. iba na.
hay.
nung nalaman ng friends ko ang tungkol sa ating munting after office dinner club, tinanong nila ako: bakit hindi na lang kayo maging KAYO? tutal naman daw, single ka, single ako. pero hindi ba, parang nakakadiri kasi antagal na nating mag-“pare”, college pa lang. parang hindi lang talaga kita makita IN THAT WAY.
umabot tayo sa time na halos araw-araw kung itext mo ko para yayaing magdinner. ang daming beses tuloy kitang nasungitan: busy ako, mago-overtime ako, next time na lang, wag mo nga ako kulitin! oo, nagmaganda nga ako. come to think of it, medyo nakakasawa din kasi yung asaran at harutan, when in fact, ang hinahanap ko, something more romantic… na imposible namang mangyari kung ikaw ang kasama ko, di ba, hello?? o di ayan, ang dami kong ginawang excuses. hanggang sa dumating yung time, ikaw naman ang hindi na available. nakilala mo na pala kasi SIYA.
wala siyang hang-ups na nakakadiri yung idea na magka-in lovean kayo. na-appreciate niya kung paano pwede kang dalhin sa sit-down restaurant, pero pwede din sa ihawan. kapag nag-aasaran kayo, nauuwi sa lambingan. nakakadiri pa rin para sa aking isipin, come to think of it, kasi ikaw ang involved. pero may feeling ding nakahalo na hindi ko masyadong maintindihan. could it be—
nagseselos ba ako?
but then, baka naman naiinggit lang. after all, antagal natin parehong nabakante. pero ikaw, andyan na, happy kasama NIYA. e ako? wala nang sumusundo sa kin. wala nang nangungulit sa akin. kahit na sabihin pang “pare” lang naman ang gumagawa nun dati.
nakaka-miss din.
lalo na’t may times na napapa-isip na rin ako.
what if…
mabuti kang kaibigan, ano nga kaya kung binuksan ko lang ang mga mata ko ng konti pa?
hay, bakit nga ba hindi ko nakitang andun ka nga lang sa harap ko all that time…


